Dear Pat,
Bago ang lahat,nais kong ipaabot sayo ang aking pasasalamat saiyong magandang column na nag bibigay inspirasyon sa lahat ng mga OFW na katulad ko.Tulad mo,gayon din ang paniniwala ko,na kung maaari ay huwag nang pumunta sa ibang bansa ang ating mga kababayan kung katulong din lang sa bahay ang magiging trabaho.Hindi naman po sa minamaliit natin ang mga kababayan natin sa ganoong trabaho, pero sa dinami dami nang kaso na ating nakikita at naranasan,bakit gugustuhin pa nilang mag abroad kung wala tayong katiyakan sa ating pupuntahan?
Sa akin lang pong opinyon,ang gobyerno ang may mas responsibilidad dito.
Huwag na nilang hikayatin ang mga mamamayan na mag abroad,higit lalo
na ang mga domestic helpers.sa halip ay mag create sila ng batas na mag pautang sa ating mga mahihirap na kababayan,upang maging puhunan sa ano man maliit na negosyo na maaaring pagkakitaan.sa gayon may pagkakakitaan na sila,kapiling pa nila ang kanilang pamilya,,di ba?
ano po ang inyong masasabi.
Thank you very much.,ako po ay kasalukuyang nasa china,sa isang doll factory,maganda po ang aking kalagayan dito.
Ang Peligro ng Pagiging Household Service Worker - Pat Sto. Tomas
Pat Sto. Tomas | 09/27/2009 5:38 AM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Kung kayo ay masugid na sumusubaybay ng mga balita sa TV Patrol marahil ay inyong napanood noong mga huling linggo ng Agosto yong balita tungkol sa isa nating kababayang nagtatrabaho sa Middle East bilang isang domestic helper o household service worker at naging biktima ng labis na pananakit ng kanyang malupit na employer. Kalunos-lunos ang itsura ng ating kababayan na puno ng pasa at lapnos ang boung katawan mula sa mukha hanggang sa paa dala ng walang patumanggang pagpalo sa kanya at pagpaso ng plantsang mainit sa ano mang maliit na pagkakamali o kahit marahil ay walang sapat na kadahilanan. Sobrang malupit ang kanyang naging employer na parang hindi na tao na may pag-iisip at damdamin. Maigi na lamang at ang kaso nitong ating kababayan ay umabot sa atensyon ng mga authoridad at ang employer ay nasampahan din ng kaukulang kaso sa kanyang pagmamalupit. Sana ang hustisya ay umiral din ng husto at ang naturang employer ay mabigyan ng nararapat na kaparusahan.
Itong kaso ng pagmamalupit ng mga employers sa mga low-skilled OFWs katulad ng mga katulong sa bahay ay hindi na bago. Mula ng mag-umpisa ang deployment ng mga OFWs sa mga low-skilled workers sa ibang bansa lalo na sa Middle East naging bahagi na ito ng mga problema na kinaharap ng overseas employment program. At marahil ito ay mahirap ng maiwasan ng lubos sapagkat ang work environment sa loob ng pamamahay ay kindi katulad ng sa opisina o sa factory at sa iba pang mga semi-skilled o skilled work places kung saan, una, ay marami ang mga manggagawa sa oras ng trabaho at, ikalawa, ang inter-action ng workers at employers ay limitado. Sa isang household, iilan lamang ang mga katulong — baka nga isa lamang at ang kanilang inter-action sa employer ay face-to-face at nangyayari habang ito ay nasa bahay at gising. Idagdag pa rito ang pagkakaiba ng kultura, kaugalian, mga paniniwala at kaisipan ng employer at ng katulong, hindi kataka-taka ang pagkakaroon ng friction sa relasyon na humahantong sa pananakit at iba pang klase ng pang-aabuso kasama na ang posibleng sexual molestation. Ang mga bagay na ito ay hindi ginagawa lamang ng mga employers na lalaki kundi pati na rin ng mga employers na babae. Sa ating napag-alaman, ang kadalasang dahilan kung bakit ang mga employer na babae ay nagagalit sa mga katulong ay dahil sa selos o sa pag-iisip na ang mga ito ay nagpapagamit sa kanilang mga asawa. Na posible namang mangyari nga sapagkat marami tayong napag-alaman na mga sitwasyon kung saan ipinipilit ng mga employers na lalaki ang kanilang sarili sa katulong na wala namang magawang depensa kundi tiisin na lamang ang mga masasamang pangyayari.
Subalit hindi naman lahat ng ating mga kababayan ay tinatanggap at tinitiis na lamang itong mga masasamang pangyayari. Marami ang gumagawa ng paraan kahit na ba may kahirapan upang ipaalam sa ating embahada o di kaya ay sa kapwa pinoy na nakakasalubong o mga kaibigan ang kanilang sitwasyon. Ang iba naman ay naglalakas loob na lamang na ipaalam sa pamamagitan ng pag sulat ng kanilang masamang sitwasyon sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan dito sa Pilipinas kahit na ba ito ay puno ng kahihiyan. At kung wala na talagang iba pang paraan na nakikita ang iba naman sa ating mga kababayan ay naglalakas loob na lamang na tumakas sa bahay ng kanilang employer kahit na ito ay mangahulugan ng walang tiyak na patutunguhan o maaring mahuli at makulong. Kaya mayroon tayong mga stranded na kababaihang OFWs sa Middle East sapagkat ang mga ito ay minabuti ng magbakasakaling tumakas kaysa habang panahon na magiging biktima ng pananakit at iba pang klase ng pang-aabuso ng kanilang employers.
Kaya ko nabanggit ang mga bagay na ito ay sa kadahilanang nais kong pagtuunan ng pansin ng mga nagnanais maging OFWs ang pagtanggap ng mga low-skilled job offers katulad ng household service worker lalo na kung ito ay sa Middle East. Hindi sa minamaliit ko ang pagiging katulong sapagkat para sa akin ang ano mang trabahong disente at maayos na pagkakakitaan ay dapat nating ipagmalaki. Kaya lang kung ating titingnan ang karanasan ng marami nating mga kababayan na naging household service workers lalo na sa Middle East marami sa kanila ang dumanas ng sobrang paghihirap sa buhay. Totoong hindi lahat ng employer sa Middle Est ay malupit – marami din sa kanila ang mababait at may taos-pusong pagtingin sa mga katulong sa bahay — subalit hindi nating matiyak na ang ating mga pupuntahang employer ay mabait. Upang makaiwas sa problema, huwag na nating hangarin pang maging isang household service worker o katulong sa bahay sa ibang bansa lalo na kung ito ay sa Middle East. Ang posibilidad na tayo ay mabaon sa isang hindi magandang sitwasyon ay napakalaki. Kaya para ito ay lubusang maiwasan, makakabuti kung ibang klase ng trabaho na lamang ang ating pupuntiryahin. Palagay ko naman ay mayroon tayong ibang kakayahan na makapagbigay sa atin ng ibang klaseng trabaho maliban sa pagiging household service workers.
Ating pag-isipan ito. Sa ating mga tagasubaybay na maaring nakapagbigay payo sa mga kamag-anak o kababayan o kaibigan na nagnanais maging OFW atin silang bigyan ng kaukulang payo at paliwanagan ng posibleng consequences sa pagiging katulong sa bahay sa ibang bansa lalo na sa Middle East kung saan malaki ang pagkakaiba ng kultura at kaugalian kaysa sa atin. After all, ang ating dakilang layunin sa pagpunta sa ibang bansa upang magtrabaho ay upang tayo ay makapagbigay ng magandang kinabukasan sa ating pamilya. Nararapat lamang na tayo ay medyo discriminating naman sa klase ng trabaho na ating papasukan. Huwag yong trabaho na sa karanasan ng marami nating kababayan ay magbibigay ng kalbaryo at hindi katiwasayan sa buhay.
Pasensya na kayo kung medyo nagiging makulit ako sa isyung ito. Ayaw ko lamang madagdagan pa ang bilang ng ating mga kababayan na nagkakaroon ng problema dala ng kanilang pagiging OFWs.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay.








Comments