Mga estudyante sa Antipolo, nakatanggap ng maagang pamasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2017 11:48 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Buwan ng Hulyo nang bisitahin ng TV Patrol ang Sumilang Elementary School sa Antipolo kung saan nagtitiis ang mga estudyante sa mga sira-sirang classroom. Sa ngayon, malapit nang matapos ang gusali na mapakikinabangan ng 900 estudyante. Bukod dito, may maagang Pamasko rin sa mga estudyante. Nagpa-Patrol, Bernadette Sembrano. TV Patrol, Martes, 19 Disyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.