VIRAL: Kilalanin ang 'Cool Mommy' ng Silang, Cavite

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2017 11:00 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nauna nang nag-viral sa social media ang mga video ni Mommy Tess Marfil, ang "cool mommy" ng Silang, Cavite.

Ayon kay Mommy Tess, madalas siyang kinukuhanan ng picture at video ng kanyang mga anak, na inu-upload nila sa Facebook.

Bukod sa kanyang pagsikat sa Facebook, kilala rin si Mommy Tess ng mga kaibigan ng kanyang mga anak, na madalas gawing tambayan ang kanilang bahay dahil dito umano sila "at home."