Proposal ng lalaki sa kasintahan, nag-viral

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2017 11:52 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Viral sa social media ang proposal ng isang lalaki sa kanyang kasintahan sa kalagitnaan ng Niyug-Niyogan Festival sa Lucena City sa Quezon.

Si Donddie Maningas na dati umanong hindi naniniwala sa forever, ngayon gusto na ring magkaroon ng sariling forever kasama ang girlfriend na si Angelica Cando.

Kuwento ni Angelica, ang kawalan ng bilib ni Donddie sa mga relasyon ang naging simula ng kanilang love story.

Long distance ang relasyon ng dalawa. Nurse sa Qatar si Donddie at sa barko naman nagtatrabaho si Angelica.

Matapos ang anim na buwang paghahanda katuwang ang common friends nilang dalawa, nagtapat na si Donddie.

Kasabay ng Niyug-Niyogan Festival sa Lucena City na memorable place sa magkasintahan, umamin si Donddie na gusto na niyang magkaroon ng forever kasama si Angelica.

Kinilig pati ang netizens sa kuwento ng dalawa.

Umabot na ng higit 5,000 ang reaksyon, lampas 3,000 shares at mahigit 175,000 views ang video ng magkasintahan na balak selyuhan ang kanilang pagmamahalan sa taong 2019.

-- Umagang kay Ganda, August 24, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.