Kilalanin ang 'Putol Idol' ng Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2017 10:09 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Marami ang humanga sa isang tinderong walang mga kamay matapos kumalat sa social media ang kanyang video.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, nagagawa pa rin ni Ferdinand Budomo na buhayin ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng mais at fishball at pangangalakal.

Ipinanganak na walang mga kamay at maliliit na paa si Ferdinand, ngunit hindi niya hinayaang maging hadlang ang kanyang mga kakulangan upang maging kapaki-pakinabang sa kanyang pamilya.