BALIKAN: Mga nagmarka sa Pinoy sports nitong 2017

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 11:13 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagdiwang ang mga Pinoy nitong 2017 sa tagumpay ng ating mga atleta mula sa iba't ibang larangan ng palakasan. Hindi man nanguna sa dami ng medalyang nakuha sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, ipinagmalaki pa rin ang 24 gintong medalyang nakuha ng mga kinatawan ng bansa. Wagi rin ang mga boksingerong Pinoy sa iba't ibang laban para sa title belt. Pero marami ang dismayado nang mabigo si Manny Pacquiao na depensahan ang kaniyang titulo kontra sa Australyanong si Jeff Horn. Nagpa-Patrol, Dyan Castillejo. TV Patrol, Huwebes, 28 Disyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.