Beckham visits less fortunate children

Posted at Dec 05 2011 10:18 PM | Updated as of Dec 06 2011 09:41 AM

Sa maiksing panahon ni David Bekcham dito sa Maynila, nagkaroon pa rin siya ng panahon para bisitahin ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang, biktima ng karahasan at iyong mga nalulong sa droga.

Bilang Unicef Goodwill Ambassador, nagbigay-saya si Beckham sa mga bata.

Nakipaglaro siya sa kanila sa isang game ng football.

Pinanood niya kung paano silang natutong gumupit ng buhok at gumawa ng mga toga.

Nakisali rin si Beckham sa pananahi ng unan at nakinig sa kuwento ng kanilang mga pangarap sa buhay.

“I have 4 children myself and they depend on me, me and my wife. It’s so sad to see so many children that don’t have that support, that don’t have that love,” ani Beckham.

Para sa 36 na taong si Beckham, bukod sa paglaro ng football sa buong mundo ay gusto niyang maging inspirasyon sa mga batang nawalan ng pagkakaton sa buhay.

“I love working with children. I love being with children and teaching them soccer, just seeing them have fun,” sabi ni Beckham.

Para sa Galaxy team, hinding-hindi nila malilimutan ang karanasang ito sa Pilipinas. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino