Azkals want to give Galaxy 'good fight'

Posted at Nov 29 2011 11:03 PM | Updated as of Nov 30 2011 12:22 PM

Masaya ang mga players ng Philippine Azkals sa muli nilang pagkikita sa Rizal Memorial sa unang practice session para paghandaan ang LA Galaxy game sa Sabado.

Excited na rin sila sa na makalaro ang Galaxy at ang superstar na si David Beckham.

“Since I was 7 years old I’ve been copying his hair. He’s a global icon,” sabi ni Phil Younghusband.

Darating mula Europa sina Rey Johnsson, Manny Ott at Jason De Jong.

Susubukan ding humabol ng goalkeeper na si Roland Muller mula Germany.

Dream come true nga para sa Azkals na makalaro ang LA Galaxy at sisikapin nilang magpakita ng magandang game para lalong masiyahan ang fans.

Dagdag-inspirasyon para kay Phil ang paggamit ng bago niyang sapatos kung saan nakaburda ang pangalan ni Angel Locsin.

“May pangalan sa side ng shoes ko, nakalagay ‘Angel.’ Masayang-masaya kami,” sabi ni Phil.

Isang malaking hamon para sa Azkals na makalaban ang Galaxy na kampeon ng MLS Cup sa Amerika.

Pero ganitong mga laro ang kailangan nila para lalo silang mahasa.

“There’s no pressure to really win but to give them a good fight,” sabi ni Nonong Araneta, presidente ng Philippine Football Federation.

Mabibili ang ticket para sa game ng Azkals at LA Galaxy sa Ticketworld at mapapanood rin ang laro nang live sa Studio 23. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino