3 UAAP referee, inireklamo ng di patas na 'tawag', sinuspende

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2017 11:54 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Mainit ang sagupaan ng final four sa University Athletic Association of the Philippines men's basketball. 

Umabot pa ito sa paghahain ng protesta sa umano'y hindi patas na tawag ng mga referee sa game ng Adamson at La Salle. Isinailalim muna sa preventive suspension ang mga referee habang iniimbestigahan ang reklamo.

Samantala, number 1 pa rin sa team standings ng National Basketball Association o NBA ang Boston Celtics, matapos ang kanilang 16 na sunod-sunod na panalo. 

Nagpa-Patrol, TJ Manotoc. TV Patrol, Martes, 21 Nobyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.