Pacman sings live at Jimmy Kimmel show

Posted at Nov 02 2010 10:07 PM | Updated as of Nov 03 2010 09:47 AM

Pinuno ng fans ang Santa Monica Mall sa L.A. para sa paglulunsad ng bagong Manny Pacquiao line ng kumpanyang kanyang iniindorso.

Kasama ng Pinoy boxing superstar ang anak ni Muhammad Ali na si Laila Ali.

Hanga si Laila sa galing ng Pinoy boxer. Binigyan ng boxing tips nina Manny at Ali ang mga fans kung saan nagkaroon ng isang boxing dance number.

Sa gitna ng launching, ibinida rin ni Pacquiao ang boxing shoes na gagamitin sa laban nila ni Antonio Margarito.

“Masaya, kasama ko ang anak ni Muhammad Ali, maraming mga fans, masaya ako,” sabi ni Manny.

Kanina, napanood naman ng buong Amerika ang guesting ni Pacquiao sa late night talk show ni Jimmy Kimmel. Gaya dati, hit na hit ang boxing champion.

Biniro rin ni Kimmel si Manny. Sabi niya, gusto rin daw niyang maging Filipino citizen.

Ipinakita ni Manny ang kanyang bagong Manny Pacquiao Cologne, ang “ MP 7”.

Pacman: This is MP 7 for 7 world titles
Kimmel: Will there be a MP8 if you win this one?
Pacman: Yes, another brand.

Matapos ang interview, kumanta ulit si Manny kasama ang komedyanteng si Will Ferrell.
Nag-enjoy ang fans sa sopresang duet, patunay ito sa kasikatan ni Pacman hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa Amerika. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino