Panoorin: Workout ni 'Heneral Luna'

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2015 06:52 PM | Updated as of Oct 28 2015 07:55 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ibang klaseng Artikulo Uno ang ipinataw ni 'Heneral Luna' star John Arcilla sa Sports U viewers. Pabirong hinamon ng 'Heneral' ang lahat: "Gusto mo bang maging malusog o gusto mo bang maging sakitin?

Ibinahagi rin ng beteranong aktor ang kanyang regular na gym workout. Isa na rito ang crunches:

 

Kahit daw busy ang schedule ni John, lagi pa rin siyang nagtatabi ng oras para mag-workout. Malaki raw kasi ang epekto ng fitness sa katawan at mas feeling bata kapag laging active.

Panoorin ang buong Celebrity Fitness segment kasama si John Arcilla ngayong 4:30PM ng October 29 (Huwebes) sa Sports U. I-follow ang @sportsUtv sa Facebook, Instagram at Twitter para sa iba pang updates.