Writer says Floyd's tirade shows fear

Posted at Sep 10 2010 10:11 PM | Updated as of Sep 11 2010 09:33 AM

Umalma ang fans ni Manny Pacquiao sa pang-iinsulto ni Floyd Mayweather Jr. kay Manny Pacquiao.

Sa video ni Mayweather sa YouTube, tinawag niyang "little yellow chump" at "midget" si Pacquiao.

Ang mga Pinoy sa Eastern Saudi, hindi nakapagpigil.

“Bakit hindi niya subukang lumaban kay Manny Pacquiao at patunayan niya na mas magaling siya sa ring,” hamon ni Jun Manalo, Pacquiao fan sa Damman, kay Mayweather.

“Any form of racial slur is a sign of insecurity,” pahayag naman ni Oliver Arellano.    

Maging ang National Association for the Advancement of Colored People o NAACP, hindi pinalagpas ang mga sinabi ni Mayweather.

"I cannot excuse it. I cannot condone that type of behavior, that type of language from anybody in reference to any culture,” pahayag ni Reverend Jeff Moore, presidente ng NAACP.

Umaasa si Moore, na hindi isipin ng mga Pinoy na lahat ng black people ay katulad ni Mayweather.

Para naman sa isang writer ng Time Magazine at author ng palabas pa lamang na libro ni Pacman, kahiya-hiya ang iniasal ni Mayweather.

“It’s embarassing for boxing. It’s embarrassing for Mayweather. It’s embarrassing for Americans,” ani Gary Andrew Poole, writer ng Time Magazine.

Tingin pa ni Poole, bunga ito ng pagiging insecure ni Mayweather.

“I think this latest tirade for Mayweather shows an expression of insecurity, and maybe an expression of fear,” ani Poole.

Hindi lamang sa fans ni Pacman mainit si Mayweather.

Ipinatawag din siya ng mga pulis sa Amerika dahil sa reklamong pambubugbog umano sa kanyang girlfriend noong 2005.

Ilang beses nang naaresto si Mayweather dahil sa pag-atake at pambubugbog. – TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino