PANOORIN: Raymond Almazan ng Gilas sa Chinese players, 'Sumakay pa kayo'

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 10:16 PM | Updated as of Aug 09 2017 10:55 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Courtesy of FIBA YouTube

Isa sa mga nag-step up mula sa bench ng Gilas Pilipinas nitong Miyerkoles kontra China ang sentrong si Raymond Almazan. Dahil sa kakulangan ng Pinoy na big men sa FIBA Asia Cup, nabigyan ng marami-raming playing time si Almazan at hindi niya binigo si coach Chot Reyes.

Nakabuslo si Almazan ng 9 points sa second quarter, kung saan lumamang ang Gilas ng 17 points at lumaki ang kumpyansa ng mga Pilipino laban sa itinuturing nilang pinakamatinding karibal sa Asya.

Parte ng highlights ni Almazan ang dalawang dunk nito sa mas malalaking defender ng China — ang una ay isang reverse, in-your-face jam at ang pangalawa (na mapapanood sa video sa ibaba) ay laban sa dalawang matatangkad na players.

Nanalo ang Gilas 96-87.

Courtesy of FIBA YouTube

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.