Spoelstra regrets not playing in PBA

Posted at Jun 26 2012 09:42 PM | Updated as of Jun 27 2012 10:54 AM

Pinainit pa ng Miami Heat ang selebrasyon ng kanilang NBA Championship nang libutin nila kahapon ang downtown Miami sa isang engrandeng championship parade.

Nabigyan ang lahat ng players at coaches ng pagkakataon na bumati sa mga fans, kasama siyempre ang kababayan nating Fil-Am coach na si Erik Spoelstra.

“For my family, for my loved ones, it means so much to us to be here, to be able to celebrate this championship in this city,” sabi ni Dwyane Wade.

Binahagi ni Coach Spo ang titulong ito sa kanyang pamilya, sa Spoelstra at Celino family.

Ang kanyang ama na si John ay naandun sa buong serye, inalala tuloy ni Coach Spo ang pinagdaanan nilang mag-ama sa buhay basketball.

“I think he really felt a part of this and those are moments you can’t script, you can't buy those moments. Those moments... just happen and they stay with you the rest of your life. When we're able to hold that trophy together, it was an amazing moment. I had a lot of family out here, even from the Philippines, and my mother was struggling really from the stress levels. We represented very well from the Spoelstra and Celino family,” sabi ni Spoelstra.

Nagulat din si Coach Spo sa sinabi ng ama niya sa amin noong isang linggo na sa simula pa lang ng kanyang coaching career ay nakita na niyang may potential maging champion ang anak niya.

“He never told me that. I think it was a surprise for my entire family when I told them I wanted how many years ago that I wanted to get into coaching,” sabi ni Spoelstra.

Inamin din ni 'Spo' na nagsisi siyang hindi siya nakapag-laro sa PBA.

“Right after college that’s probably one of my few regrets in my life that I didn’t get to go there and play. I'm proud to be Filipino and I hope that this opens more doors or at least more eyes open, here in America, back in the Philippines that dreams can come true,” sabi ni Spoelstra.

Ayon kay Spoelstra, bata pa lang siya, pangarap na niyang maging coach.

Nagsimula man siya sa mababang pwesto, hinding-hindi siya bumitaw at nawalang ng pag-asa.

Ngayon ang batang nangarap maging coach, isa ng NBA Champion. TJ Manotoc, Patrol ng Pilipino, Miami, Florida