US senator wants probe on Pacquiao-Bradley bout

Posted at Jun 13 2012 09:07 PM | Updated as of Jun 14 2012 05:07 AM

Nakialam na ang top gun ng United States Senate at isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Amerika na si Nevada Senator Harry Reid para paimbestigahan ang naging desisyon ng judges sa laban nina Pacquiao at Bradley.

Dating miyembro ng Nevada State Athletic Commission si Reid at minsan nang naging hurado sa ilang fights noong ‘di pa senador.

Bilang dating boksingero, bilib si Reid sa boxing skills ni Manny Pacquiao.

Hanga rin ang senador sa mga Pinoy na naninirahan dito sa Nevada.

Pumapangalawa ang bilang ng mga Pinoy sa mga minority group sa Nevada sunod sa mga Latino.

“One of the positives from the Filipino community is the great work ethics they have and the ethic they have in participating in government,” sabi ni Reid.

Matatandaang malaki ang naging tulong ni Manny Pacquiao sa pagkakahalal ni Reid bilang senador noong 2010.

“Let me tell you why I have a friend in Manny Pacquiao. First of all, I admire him. Don't we all?" sabi ni Reid noong siya ay nangangampanya.

Samantala, kinumpirma ng opisina ni Atty. General Catherine Cortez Masto na natanggap na nila ang complaint na inihain ni Top Rank CEO Bob Arum.

Rerepasuhin nila ito at bibigyan ng kaukulang aksyon kung kinakailangan.

Samantala, nag-file naman ng emergency motion ang abogado ni Floyd Mayweather Jr. na ipa-house arrest na lang ang boksingero na dalawang linggo pa lang nakukulong sa Clark County Detention Cell.

‘Di na raw kasi matagalan ni Mayweather ang pagkain at ‘di makapag-ehersisyo sa loob ng kulungan. Bev Llorente, Patrol ng Pilipino Las Vegas, Nevada