EXCL: Online petition launched to reverse Bradley win

Posted at Jun 12 2012 10:16 PM | Updated as of Jun 13 2012 01:08 PM

Sa isang estado kagaya ng Nevada na naapektuhan sa krisis ekonomiya, mahalaga ang laban ni Manny Pacquiao kaya inaabangan ito palagi.

Isa sa mga kumikita ay ang mga tayaan o race and sports books ng mga casino sa Las Vegas.

November 2011 nagsara ng -$950 ang pusta kay Pacquiao at +$650 naman kay Marquez.

Pero sa huli nitong laban, nagsara ng minus -$450 ang taya kay Pacquiao at +$350 naman kay Bradley.

Hindi na ito nabago buong linggo.

Ito ay patunay na kahit llamado ang People's Champ, steady pa rin ang mga tayaan.

Si Jun de Guzman, galing pa ng Australia at tumaya siya ng $10,000 para lang sa all rounds betting ni Pacquiao.

Kahit natalo si Pacquiao dahil sa kontrobersyal na split decision, hindi na mababago ang katotohanan na si Pacquiao ang panalo.

“Okay lang, lumaban naman si Manny nang patas. Alam naman natin na siya ang panalo. Next time babawi siya,” sabi ni de Guzman.

Samantala, pormal nang naghain ng request sa Nevada Attorney General's Office si Top Rank chairman at CEO Bob Arum para imbestigahan ang nangyaring scoring sa naging laban nina Pacquiao at Bradley.

Ayon kay Arum, karapatan ng publikong malaman ang katotohanan para maibalik ang tiwala ng fans sa boxing.

“Something is wrong here so we got to get to the bottom of it. I know there are concerned citizens who very high up in this community, who are going to the government,” sabi ni Arum.

Naglipana naman ngayon ang ilang online petition para baligtarin ni Nevada Governor Bryan Sandoval ang naging desisyon sa laban kung saan ang dineklarang panalo ay si Bradley.

Sa ngayon, mahigit 20,000 na ang pumirma sa petisyon.

Tingin naman ng veteran sports writer na si Kevin Ioli, ito ay isa lamang sa sporting events na ginaganap dito sa Las Vegas at mas kailangan pagtuunan ng pansin ni Governor Sandoval ang problema sa foreclosure at pag-ayos sa ekonomiya ng Nevada.

Hindi na raw ito dapat makialam sa hudikatura ng mga sporting event. Bev Llorente, Patrol ng Pilipino, Las Vegas, Nevada