'Bourne Legacy' star visits Pacquiao training

Posted at Jun 04 2012 09:52 PM | Updated as of Jun 05 2012 05:52 AM

Kumpleto ang pamilya Pacquiao sa Christ the King Church sa Los Angeles Linggo ng umaga para dumalo sa misa, isang araw bago bumiyahe patungong Las Vegas.

Nag-pray-over din kay Manny at buong pamilya ang kongregasyon sa dulo ng misa.

Nasiyahan ang mga Pinoy na nakita nilang muli si Pacman bago ang laban kay Timothy Bradley.

Sa hapon, standing room only ang Palazzo apartment ni Pacquiao para sa Bible Study.

Ganado sina Manny at Jinkee sa pagkanta ng kanilang paboritong mga Gospel songs.

Sweet na sweet ang mag-asawa na aminadong naging mas close dahil sa pag-aaral ng salita ng Diyos.

Isang sparring session na lang si Pacman bukas, at pagkatapos ng mahigit 100 rounds ng sparring, masaya si Manny sa kanyang kondisyon.

Aniya, “Happy ako sa sparring partner ko, magka-estado sila ni Bradley talaga, so it’s helped me a lot.”

Happy rin si Manny sa pagbisita ng “Bourne Legacy” star na si Jeremy Renner sa gym noong isang araw.

Nanood ng kaunti si Pacman sa pangatlong episode ng 24/7 ng HBO. Cool na cool lang siya kapag nakikita ang kalabang si Bradley sa screen.

Ngayong weekend na ang pinakaaabangang laban nina Bradley at Pacman.

Patapos na ang isang buwan ng matinding training ni Manny Pacquiao sa LA. Ayon sa Pinoy boxing superstar, ready na siya para kay Bradley para maiuwi ulit ang world championship belt. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino, Los Angeles, California