ABS-CBN News

Pacman fails to catch 'Idol' show but dazzles at red carpet

Posted at | Updated as of 05/24/12 7:06 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Hard day para kay Manny Pacquiao sa Wild Card Gym. Nag-11 rounds ng sparring sa tatlong magkaibang kalaban.

Tatlo kay Kevin Hoskins...

“He's so accurate, you know. When he touches you on the right spot, he’s fast so I am just going to learn from him,” sabi ni Hoskins.

Five rounds sa Russian na si Ruslan Provodnikov...

“Very strong, very strong,” sabi ni Provodnikov, patungkol kay Pacquiao.

At tatlong rounds kay Roger “Speedy” Gonzalez.

Nagagawa ni Manny na humataw ng kombinasyon.

Pagkatapos ng ensayo, humabol si Pacman para mapanood ang performance ni Jessica Sanchez sa “American Idol.” Tapos na ang show pero nakaabot pa rin si Pacman sa red carpet.

Siyempre pagdating ni Manny Pacquiao dito sa Nokia Theater ay pinagkaguluhan siya ng lahat ng fans. Tuwang-tuwa ang lahat na makita ang eight-division world champion na sumusuporta kay Jessica Sanchez.

Matagal si Manny sa red carpet na in-interview ng malalaking media outfit.

Nakausap naman natin ang “Idol” semi-finalist na sina Deandre Brackensick at Joshua Ledet na parehong bilib kay Sanchez.

“Jessica is amazing,” ani Deandre.

“Hello, Filipinos. She’s very good. Jessica was amazing,” sabi naman ni Joshua.

Pati si Vicki Belo na nanood ng live sa show, humanga sa Filipino-Mexican.

“Americans, Caucasians, we are all cheering for Jessica” ani Belo.

Mula red carpet, pumasok si Manny sa backstage ng Nokia Theater. Dito na-meet niya ang “Idol” mentor na si Jimmy Iovine .

Mula Nokia Theatre, si Manny mismo ang nag-drive ng kanyang Ferrari at nagmadaling bumalik sa Palazzo Apartment para sa Bible study na gabi-gabi ay standing room only. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino, Los Angeles, California

View more