Pacman roots for Jessica even when he's training

Posted at May 22 2012 10:39 PM | Updated as of May 23 2012 11:56 AM

Ala-una en punto nagsimula ang ensayo ni Manny Pacquiao sa Wild Card Gym.

Tahimik at seryoso ang lahat sa paghahanda ni Pacman sa laban kontra sa undefeated fighter na si Timothy Bradley.

Iniba nang kaunti ang routine sa training.

Inuna ang practice sa heavy bag at sa nakikita natin ay humahataw pa rin si Pacquiao.

Ayon kay Coach Freddie, itong linggo na ito ang pinakamahirap na training week na nakahanda para kay Pacman na magsasanay sa apat na magkakaibang sparring partner.

“We’ll do 33 rounds this week and that will be our peak. We will taper off next week,” sabi ni Roach.

“May dalawang linggo pa. Sa tingin ko ready naman ako in Jesus’ name,” sabi ni Pacquiao.

Excited din si Manny sa pagpasok sa finals ng American Idol ni Jessica Sanchez.

Walang duda si Pacman na magtatagunpay si Sanchez.

“Just believe, no doubts, okay?” sabi ni Pacquiao kay Jessica.

Hinikayat ni Pacman ang lahat ng kababayan na iboto si Sanchez.

“Lahat ng mga Pilipino, we ask your support for Jessica Sanchez. Suportahan natin ang kababayan natin. Karangalan nating mga Pilipino iyan,” sabi ni Pacquiao.

Ayon pa kay Manny, kakausapin nila si Jessica para makakanta sa mga susunod niyang laban.

“Mag-uusap kami pagkatapos ng fight,” sabi ni Pacquiao.

Proud si Manny na naipapakita sa mundo ang talento ng mga Pinoy sa boksing man o sa musika. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino, Los Angeles