Pacquiao excited about Hollywood debut

Posted at May 18 2012 11:28 PM | Updated as of Dec 01 2016 06:22 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Balik-training na si Manny Pacquiao matapos gumawa ng headlines dahil sa mga kumento niyang tutol siya sa same sex marriage.

Sparring session ni Manny Pacquiao kanina sa Wild Card Gym.   

Bawal itong kunan ng media, pero ayon kay Pacman ay maayos naman ang takbo ng  kanyang practice.

“Practice is good, fun. It's normal all the time,” sabi ni Pacquiao.

Proud si Pacman sa pagpasok ni Jessica Sancez sa finals ng “American Idol.”

Manonood daw siya ng finals para suportahan ang kababayan.

“Yes, next week, pupunta ako. Manonood ako, I believe and I pray for her, siya na talaga ang mananalo,” sabi ni Pacquiao.

Excited din si Pacquiao sa bagong movie project niya kung saan makakasama niya ang Fil-Am actor na si Rob Schneider sa pelikulang “Brass Knuckles.”
 
“I'm excited for that movie ‘Brass Knuckles,’” sabi ni Pacquiao.  

 “Obviously, Rob Schneider, he plays Manny's uncle in the film, and Manny plays a gangster, this thug whose going around town making a lot of trouble for the people of LA,” sabi ni Damian Perkins, co-producer ng pelikula.
 
Mag-uumpisa ang shooting ng Brass Knuckles pagkatapos ng laban kay Bradley sa June 9. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino