Pacquiao says sorry to gay community

Posted at May 17 2012 10:24 PM | Updated as of May 18 2012 08:54 AM

Sa kabila ng kontrobersya kahapon, natuloy pa rin ang interview ni Manny Pacquiao sa 'Extra' ni Mario Lopez.

Hindi nga lang ito naganap sa The Grove mall kung hindi sa bahay ni Pacman sa Los Angeles.

Sa interview, klinaro ulit ni Manny na hindi siya ang nagsabi ng verse sa Bible mula sa Book of Leviticus kung saan sinasabing kamatayan ang parusa sa mga lalaking pumapatol sa kapwa lalaki.

“The reporter asked me a question. He said, ‘Obama is in favor of legalizing gay marriage and what's your opinion?' I'm against same sex marriage, but I didn't say that I'm condemning gays because, you know, I have gay relatives and friends. That's all I said to the reporter,” sabi ni Pacquiao.

Nauna nang inamin ng writer ng examiner.com na si Granville Ampong na galing sa kanya at hindi kay Pacquiao ang quote sa Leviticus.

Humingi naman ng paumanhin si Manny sa gay community.

“To the gay community, I apologize if I did something. All I said was that I'm against same sex marriage, but I’m not condemning you. My favorite verse is, 'Love one another as you love yourself. Love your neighbor.' So, I love everybody,” sabi ni Pacquiao.

Pinag-uusapan nang husto ang bawat bitawang salita ni Manny Pacquiao dahil isa siya sa pinaka-maimpluwensyang celebrity hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa Amerika.

Katunayan, napabilang si Manny sa listahan ng Forbes “most powerful celebrities” kung saan nasa number 33 spot siya.

Habang si Floyd Mayweather Jr. naman, na nag-tweet na sinusuportahan niya si Obama at pabor siya sa same sex marriage, ay nasa 57th place lang.

Pahinga muna sa practice si Pacman kahapon.

Nag-relax lang siya sa kanyang condo, nag-aaral muli ng Bibliya at nanood ng “American Idol” para suportahan si Jessica Sanchez. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino