Pacman intensifies training in Baguio

Posted at May 03 2012 01:18 AM | Updated as of May 03 2012 09:18 AM

Inumpisahan ni Manny ang sparring sa isa pang Russian boxer na si Rustam Nugaev.

Kasunod nito’y nag-plyometric exercise ang boxing champ.

Sinasalo rin niya ang medicine ball para tumibay ang mga braso't balikat.

Ginawa na rin niya ang drop jumping na ehersisyo sa binti.

Mayroon ding aerobic exercise.

Pero tila nakukulangan pa rin ang boxing analyst na si Ronnie Nathanielsz sa kundisyon ni Pacman.

“Medyo timing is off. If the timing is off, then your speed is also off. But still, there’s plenty of time. Ang problema niya, ang kalaban niya medyo bata,” sabi ni Nathanielsz.

Payo ni Nathanielsz, dapat mag-focus sa training si Pacquiao.

“I think he went to bed past midnight. Nobody’s complaining about his preaching. Some people want to help him, some people want to use him,” sabi ni Nathanielsz.

Dumepensa naman si Manny.

“Panginoon naman iyan. Saan mas mahalaga, ang ginagawa natin o ang God?” sabi ni Pacquiao.

Giit naman ni coach Freddie Roach, handa nang sumabak sa laban si Manny.

“He’s doing okay in sparring but he’s just getting started but I am happy where he’s at,” sabi ni Roach.
   
Hanggang Huwebes na lang si Manny sa Baguio.

Tutulak na siya ng Amerika para sa napipintong pagtutuos nila ni Timothy Bradley sa June 9. Ada Sibayan, Patrol ng Pilipino sa Baguio