ABS-CBN News

EXCL: 'Mismatch' blamed for boxer's death

Posted at | Updated as of 05/03/12 12:52 PM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Pangarap ng 18 taong gulang na si Romnick na maging isang world champion tulad ng kanyang idolo na si Manny Pacquiao.

Pero ang pinakamamahal na sports ni Romnick din ang tumapos sa kanyang pangarap at sa kanyang buhay.

Abril 27, araw ng pista ng Iba, Zambales, lumaban si Romnick sa isang pa-boxing ng munisipyo.

Natapos ang three rounds at natalo, nagsuka at nawalan na siya ng malay.

Agad siyang itinakbo sa ospital.

Na-comatose si Romnick at binawian ng buhay noong Linggo dahil nagkaroon ng blood clot sa kanyang utak.

Ayon sa ama ni Romnick na dati ring boksingero, fight mismatch ang naging dahilan ng pagkamatay ng anak.

“Lugi talaga, hindi match, kahit sa edad. Siya 18, ‘yung kalaban 27,” sabi ni Roberto Dablo.

Pero ayon sa munisipyo, patas lamang ang naging laban.

Hindi raw nagkakalayo ang kanilang timbang at pasok sa elite category ang kanilang mga edad.

Pero inamin ng munisipyo hindi na nila tinitingnan ang fight history ng isang boxer.

“Hindi masyado tinitignan kung marami ng laban,” sabi ni Dante de Castro ng Sangguniang Bayan.

Ayon sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP), importante na bago ang laban, sisilipin ang record ng bawat boksingero dahil baka hindi sila magkatapat ng kakayahan.

“Nandoon ‘yun sa red book nila eh, the supervising official should take a look at that,” sabi ni Ed Picson, president eng ABAP.

Paiimbestigahan ng Pwersa ng Bayaning Atleta party-list sa Kongreso ang nangyari.

“We have to put the responsibility on the organizers,” sabi ni Mark Zambar ng Pwersa ng Bayaning Atleta party-list.

At umaasa ang pamilya ni Romnick na mapapanagot ang may sala. Gretchen Malalad, Patrol ng Pilipino

View more