EXCL: Mayweather Jr. says Pacquiao 'next'

Posted at May 03 2012 01:31 AM | Updated as of May 03 2012 12:53 PM

“Pacquiao, you’re next!”

Ito ang hamon ni Mayweather kay boxing superstar Manny Pacquiao sa ginanap na fighters arrival kanina para sa "Ring Kings" sa MGM Grand lobby.

Isinisi naman ni Golden Boy promoter Richard Schaefer kay Bob Arum ang hindi matuluy-tuloy na laban nina Pacman at Mayweather.

“It’s going to be up to Pacquiao to put the pressure on his promoter and give clear instructions to Bob that that’s a fight," ani Schaefer.

Pinagkaguluhan naman ng fans and dating napatumba ni Pacman na si Miguel Cotto.

Ipinagtanggol ni Golden Boy Oscar dela Hoya ang isyung left-overs o tira-tira na lang ni Pacquiao ang lalaban ngayong Sabado. Matatandaang tinalo ni Pacman si Cotto noong 2009 at si Mosley naman noong 2011.

"I wouldn't call it Pacquiao's left-overs, it's kind of disrespectful, but I think they're two great warriors, you know every fighter is great,” sabi ni dela Hoya.

Dalawang malalaking boxing events ang magaganap ngayong tag-init. Ang Mayweather versus Cotto at Pacquiao versus Bradley, pero ang tanong ng marami ay kung sino ang totoong "Ring King" sa pay-per-view sales. Bev Llorente, Patrol ng Pilipino, Las Vegas, Nevada