ABS-CBN News

Batangas triathlon a hit with fitness buffs

Posted at | Updated as of 05/01/12 6:40 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Hindi pa nagsimula ang kompetisyon ay nagbabad na sa dagat ang mga fitness buffs para magpapresko. Mga 1.2 kilometers ang swimming leg sa triathlon na ito sa Pico de Loro, Batangas. Dalawang ikot sa 600-metrong ruta na markado ng mga boya.

Paborito ng mga sumali ang swimming dahil sa init ng panahon.

Dahil sa dami ng sumali, siksikan sa starting line at pagtunog ng starting gun, unahan sa tubig.

Pag-ahon sa tubig ay takbo naman sa transition area para kunin ang bisikleta. Mahirap ang ruta ng bike, dahil matarik ang daan at paikot, at dahil bumuhos ang ulan, madulas pa.

Maingat ako sa bike para siguradong makatapos. Marami kasi ang nahulog at na-injure, pero tuloy ang karera.

Umabot sa 40 kilomters ang bike route. Ang sarap ng feeling nang matapos.

Palit naman ang lahat sa running shoes para sa huling bahagi ng karera—ang 8-kilometer run.

Third place sa 45 to 49-year-old category si ABS-CBN Publishing head Ernie Lopez.

Pagod ang lahat pero masaya pa rin sa awarding ceremony sa tabing-dagat. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino

View more