Pacman resumes training after one-day rest

Posted at Apr 23 2012 10:45 PM | Updated as of Apr 24 2012 06:45 AM

Dagsa ang bisita ni Manny Pacquiao sa kanyang rest day kahapon sa Baguio City.

Kinagabihan, may prayer meeting.

Si Pastor Boy Buan ng General Santos ang nagbigay ng mensahe.

Nagkaroon din ng communion service at nagbasa si Manny ng Bible verses.

Taimtim na nagdasal ang grupo.

Masaya rin ang kantahan ng choir na kinabibilangan ng staff ni Manny tulad ni Buboy Fernandez at kapatid na si Bobby.

“Napakanda kung everyday tayo nag-aaral ng Bible, nagbabasa. Iyan ang nakakapagpa-strong sa faith natin at magiging strong tayo sa lahat ng temptation na dumarating sa buhay natin,” sabi ni Pacquiao.

Kaninang umaga ay tumakbo muli si Manny sa bundok.

Bagama’t napakahirap ng paakyat na ruta, makikitang unti-unti nang lumalakas ang stamina ni Pacman.

Kasama ni Manny sa pagtakbo ang kaibigang marathoner mula Los Angeles.

Sinundan ito ng Bible sharing sa bundok kasama ang Team Pacquaio.

Binati naman ni Manny ang Philippine Rugby Team Volcanoes sa kanilang pagpanalo.

“Congratulations sa Volcanoes at nanalo kayo. Nakapagbigay kayo ng karangalan sa ating bansa,” sabi ni Pacquiao.

Sa hapon pukpukan muli ang training ni Manny sa gym. Nag-10 rounds sila sa mitts ng coach Freddie Roach.

Dinagdagan pa ni Manny ang workout ng isang round ng flyometric excercise.

Ayon kay Roach, hindi dapat maging kampante si Pacman kay Timothy Bradley.

“Bradley is a very physical person. I don’t think he does it on purpose but he’s very physical. He’s strong, his elbows in the inside, he uses his quite a bit,” sabi ni Roach.

Dumating din ang ilang foreign media para mapanood ang training ng 8-division world champion.

Excited na si Manny sa pagdating mamayang gabi ng asawang si Jinkee. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino