Pacquiao mixes boxing, Bible in Baguio

Posted at Apr 20 2012 10:15 PM | Updated as of Apr 21 2012 09:51 AM

Mahigit isang oras nag-preach si Manny Pacquiao kagabi sa harap ng ilang daang pastor at obispo mula Mountain Province.

Galing pa ng malayong lugar ang ilan sa mga dumalo para marinig lang ang mensahe ni Pacman.

Kitang-kita ang galak kay Manny habang ibinabahagi ang mga natutunan niya sa Bibliya, gaya ng paglaban sa tukso, at magtagumpay sa buhay.

Masaya din ang kantahan.

Ipinagdasal ng mga pastor si Manny.

Kaninang umaga, Bibliya pa rin ang topic ng kuwentuhan nina Pacquiao.

“Just believe,” sabi ni Pacquiao
 
Maganda ang panahon kaya't ginanahan ang 8-division world champion sa kanyang pagtakbo.

Sa bundok na naman tumakbo si Manny, kahapon 22 minutes, ngayon hinabaaan ni Manny at umabot sa mahigit 30 minutes.

Mahirap talaga ang paakyat na ruta na pinilit tapusin ni Manny para ma-develop ang stamina.

Sa hapon, tuloy ang dibdibang training sa gym.

“His speed is a lot better,” sabi ni coach Freddie Roach,
   
Sa susunod na linggo darating na ang sparring partner ni Pacman mula Russia. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino