Pacquiao starts training in Baguio

Posted at Apr 18 2012 11:31 PM | Updated as of Dec 05 2016 12:43 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Pasado alas-11 kagabi dumating si Pacman sa Baguio City kasama ang Team Pacquiao.

Diretso sila sa kanilang hotel.

Matapos kumain at sandaling pahinga, agad humarap sa media si Pacquiao.

“Excited na ako mag-start ang training,” sabi ni Pacquiao.

Kinaumagahan, Burnham Park ang destinasyon ni Pacquiao.

Matapos ang ilang ikot sa pamosong parke ng Baguio, sumabak sa shadow boxing at stretching.

Aminado si coach Buboy Fernandez na medyo kinapos si Pacman.

“Medyo konti pero ganoon talaga, bukas wala na ‘yan,” sabi ni Fernandez.

Ayon kay Pacquiao, mas tutok siya ngayon sa kanyang paghahanda para maidepensa ang kanyang WBO welterweight belt laban sa Amerikanong si Timothy Bradley sa June 9 sa Las Vegas, Nevada.

“May mga strategy kami, siyempre pinag-aralan namin ‘yan at mamaya kami mag-uusap ni Freddie [Roach],” sabi ni Pacquiao.

Hirit ni Pacman, dahil sa Bibliya naging mas mabuti siyang tao at boksingero.

Kaya't ipinagkikibit-balikat na lang daw niya ang batikos ng ilan niyang kritiko na hindi na siya kasing lakas gaya nang dati.

“Sabi nga sa Matthew 7:26, it says, ‘If everyone who hears these words of mine and does not put them into practice is like a foolish man who builds his house on sand,” sabi ni Pacquiao.

Simula 2009, sa Baguio na isinagawa ang high-altitude training ni Pacman.

Sa pagkakataong ito, magtatagal siya rito ng tatlong linggo. Edz Fernandez, Patrol ng Pilipino sa Baguio