62 undocumented OFWs nakabalik na mula Saudi

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2017 03:03 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MANILA - Nakabalik na sa bansa ang 62 undocumented overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia Sabado ng umaga.

Sakay ng Philippine Airlines flight PR 663 mula Jeddah ang grupo at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ang mga hindi dokumentadong OFWs ay nakauwi sa bansa sa ilalim ng pinalawig na amnesty program ng Saudi Arabia para sa undocumented migrants.

Unang ipinatupad ang amnesty program noong buwan ng Marso. Nagkaroon ito ng dalawang extension upang mabigyan ng sapat na oras ang mga migrante na ayusin ang kanilang papeles at status at makaalis sa Saudi Arabia ng walang parusa.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs, umabot na sa 8,400 undocumented OFWs ang nakauwi sa ilalim ng amnesty program. --may ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.