SAPUL SA VIDEO: Batang naipit sa nabuwal na puno, nasagip

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 10:27 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isinailalim na sa state of calamity ang Southern Palawan dahil sa pinsalang iniwan ng mga bagyong "Urduja" at "Vinta". Samantala, sa Lanao del Sur, nakuhanan naman ng video ang pagsagip sa isang bata sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Vinta sa munisipalidad ng Bacolod-Kalawi. Naipit ang kamay ng bata sa mga nabuwal na puno at pumulupot pa ang buhok sa wire. Nabalot din ng putik ang mukha ng menor de edad. Nagpa-Patrol, PJ Dela Peña. TV Patrol, Huwebes, 28 Disyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.