SAPUL SA CCTV: Mga empleyadong nasa Christmas party, ninakawan

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2016 10:50 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nahuli sa CCTV ang pangloloob ng isang lalaki sa isang opisina sa Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City.

Nahagip ng kawatan ang tatlong bag ng mga empleyado na naglalaman ng gadget, alahas, at mahigit P30,000 na halaga ng pera.

Ayon sa isang empleyado, naka-tiyempo ang magnanakaw habang nasa rooftop sila para sa kanilang Christmas party at maaaring matagal nang minamanmanan ng lalaki ang opisina.

Ani ng pulisya, kumpiyansa ang kawatan dahil walang security guard sa labas ng opisina. Patuloy nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng salarin.

- Umagang Kay Ganda, 23 Disyembre 2016