SAPUL SA CCTV: Kustomer ng fast food chain ninakawan sa pila

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2016 12:01 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sapul sa closed-circuit television (CCTV) camera ang pagtangay sa cellphone ng isang kustomer ng isang fast food chain sa Iligan City.

Mapapanood sa video ang pagdaan ng dalawang babaeng suspek habang siksikan sa pila ang mga kustomer. 

Ilang sandali pa, binuksan na ng babae ang bag ng isang customer, habang tila tinatakpan ng babaeng nakasuot ng balabal ang kanyang kasama.

Nakuha ng babae ang cellphone ng biktima saka lumabas sa establisyimento.

Agad namang pinost ng biktima sa social media ang naranasang modus. Umabot na sa 4,000 ang bilang ng mga nag-share ng kanyang post sa Facebook.

Ayon sa pulisya, madalas nag-aabang ang naturang grupo sa mga ATM para makapambiktima. Pinaghahanap na sila ngayon ng mga pulis.