Driver, sugatan sa pagtaob ng minamanehong taxi

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2017 07:16 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang taxi driver matapos na tumaob ang kanyang sasakyan as Quezon City, Martes ng madaling araw.

Masakit ang braso at kamay ng taxi driver na si Isaias Padilla nang maaksidente sa kahabaan ng E. Rodriguez Avenue.

Kuwento niya, mula Welcome Rotonda papunta siya ng Cubao nang biglang bumangga siya sa center island. Sa lakas ng impact, tumaob ang taxi at nabangga pa ang likuran nito ng isa pang taxi. 

Ayon Kay Padilla, madilim sa lugar at walang mga sign na may center island.

Suwerte namang walang pasahero ang parehong taxi. 

Sabi ng mga residente sa lugar, maraming mga aksidente na ang nangyayari dito dahil walang ilaw. Nagtataka rin sila kung bakit wala pang ginagawa ang lokal na pamahalaan. Umagang kay Ganda, 12 December 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.