TPLEx-Pozorrubio interchange bukas na, 3 linggo libre

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 12:44 PM | Updated as of Dec 07 2017 12:57 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Mapapabilis na ang biyahe ng mga motoristang pa-norte dahil madaraanan na ang Pozorrubio interchange ng Pozorrubio exit of the Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway, inanunsyo ng Toll Regulatory Board (TRB), Huwebes. 

Nasa 10 kilometro ang idinagdag sa haba ng TPLex mula sa Binalonan interchange kaya 5 minuto o higit pa ang mababawas sa biyahe, sabi sa DZMM ni TRB spokesman Bert Suansing. 

Tatlong linggo muna aniyang libre ang toll ng mga motoristang dadaan sa Pozorrubio interchange. 

Photo by: @DOTrPH

DZMM, 7 Disyembre 2017      

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.