Mga umano'y pinapatay ng drug ring, nahukay sa Bulacan, Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2016 10:07 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang PNP sa sinasabing mass grave na nadiskubre sa bakanteng lote sa bahagi ng Tala, Caloocan at San Jose Del Monte sa Bulacan.

Nahukay sa lugar ang mga buto at bungo ng tao na pinaniniwalaang mula sa mga informer o asset na pinapatay ng mga sindikato ng iligal na droga.

Ayon sa Caloocan City Hall, ilang buwan na ring umuugong ang balitang may mass grave sa lugar kasunod ng pagsalakay ng mga pulis sa mga drug den sa barangay.

Umaasang makatutulong sa imbestigasyon ang ilang testigong hawak ng pulisya.
 
Umagang Kay Ganda, 1 Disyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.