Gadon, muling nasermonan ng mga mambabatas

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2017 01:57 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Muling nasabon si Atty. Lorenzo Gadon sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ito'y matapos punahin ng mga mambabatas ang kawalan niya ng kaalaman sa mga alegasyon laban kay Sereno. Sa kabila nito, kumpyansa si Gadon na malakas ang ebidensya laban sa punong mahistrado. Hindi naman sumipot sa pagdinig ang malalaking resource persons na inimbitahan ng kumite. Naglabas ng show cause order ang kumite laban kina CHR Commissioner Roberto Cadiz at mga abogado ni Sereno. I-Bandila mo, Mike Navallo. - Bandila, Lunes, 27 Nobyembre, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.