Teenager patay sa pamamaril ng 'lasing' na pulis

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2016 11:05 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Arestado ang chief investigator ng San Mariano police sa Isabela matapos umanong mamaril ng 17-anyos na binatilyo habang nasa impluwensiya ng alak.

Kuwento ng pinsan ng biktima, nakaupo lang sila sa isang kainan nang sitahin sila ni SPO4 Jonathan Ariola nang dahil sa pagsusuot ng damit pangsundalo.

Pinagbintangan rin umano silang mga magnanakaw, na kanilang itinanggi.

Dito na nagalit ang pulis na bumunot ng baril at binaril sa ulo ang binatilyo, dahilan ng agad niyang pagkamatay.

Ayon sa hepe ng Mariano police, off-duty si Ariola at galing lang sa isang inuman nang mangyari ang insidente.

Kusa namang sumuko sa kanyang mga kabaro ang suspek.

Bukod sa kasong homicide, grave threat at child abuse, nahaharap ang pulis din sa kasong administratibo.

Umagang Kay Ganda, 22 Nobyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.