PANOORIN: Mga ginawa ni Duterte sa APEC summit

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2016 09:02 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa kanyang pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' meeting, nakipagkasundo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina na isasantabi muna ng Pilipinas ang paghahabol nito sa ilang teritoryo sa West Philippine Sea.

Tiniyak naman ni Chinese President Xi Jinping na hahayaan ng Beijing na maglayag ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal na bahagi ng pinag-aagawang karagatan.

Samantala, mistulan namang nagsumbong si Duterte kay Russian President Vladimir Putin tungkol sa umano'y pagiging ipokrito at panggigipit ng mga Kanlurang bansa sa Pilipinas.

Hindi naman sumipot si Duterte sa APEC gala dinner dahil umano masama ang katawan.

Panoorin ang buong detalye ng pagdalo ng Duterte sa APEC summit sa ulat na ito ni Lynda Jumilla mula sa Lima, Peru.

Umagang Kay Ganda, 21 Nobyembre 2016