Marcos, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2016 11:25 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nasurpresa ang sambayanan sa biglaang paglibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kaninang tanghali. Sa higpit ng seguridad na inilatag ng PNP at AFP, hindi nakalapit ang media sa seremonya, at hindi rin nabulabog ng mga raliyista ang pasikretong libing ng dating diktador. Live, mula sa Taguig City, nagpa-Patrol, Raffy Santos. TV Patrol, Biyernes, 18 Nobyembre 2016