Inmates sa Iloilo, abala sa pagpapatakbo ng bakery

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2016 03:16 PM | Updated as of Nov 15 2016 03:45 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Imbes na mag-mukmok sa loob ng Iloilo District Jail habang nililitis ang kanilang mga kaso, abala ang ilang inmates sa paggawa ng iba't-ibang klase ng tinapay.

Ibinebenta nila ito sa kooperatiba ng District Jail at dito na din bumibili ang mga inmate at kanilang mga bisita.

Malaking tulong na raw para sa kanilang mga pamilya ang kita sa bakery.

"Kung pumunta rito ang misis ko, may naiaabot ako kahit pamasahe lang," ani "Glenn", isa sa mga inmate. 

Kabilang ang paggawa ng tinapay sa skills training na ibinibigay ng Bureau of Jail Management and Penology at partner organizations para maihanda ang mga inmate sa kanilang paglabas at makapagsimula ng panibagong buhay. - DZMM, Nobyembre 15, 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.