'Salvage' victim nakita sa tapat ng Divisoria mall

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2016 10:49 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa harap ng 999 Mall sa Divisoria Market sa Binondo, Maynila Linggo.

Nakabalot ng masking tape, nakatali ang mga kamay at paa at may alambreng nakapulupot sa leek ng lalaking biktima.

Walang pagkakakilanlan ang biktimang nakasuot ng asul na t-shirt at shorts na may saksak sa dibdib.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-4 ng madaling-araw nang makita ng mga tindera ang isang garbage bag na hininala nilang may lamang tao.

Nang buksan ang bag, nakita rito ang biktima kasama ang isang karatulang may katagang, "Mandurukot ako sa Divisoria."

DZMM TeleRadyo, 13 Nobyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.