77-anyos na lolo, sugatan sa sunog sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2017 10:19 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagtamo ng sunog sa braso at mukha ang isang 77-anyos na lolo matapos sumiklab ang sunog sa Barangay 92 sa Tondo, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktimang si Ed Tongco, hindi agad nakalabas ng bahay ang matanda dahil tila nabigla ito sa mga pangyayari.

"Tulala siya. Kinakatok siya ng mga kapitbahay, hindi siya makalabas. Para bang nasa state of shock siya," ani Gemma Lumban, kapitana ng barangay.

Agad isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Tongco.

Nagdeklara ng fire under control ang Bureau of Fire Protection bandang alas-3 ng umaga.

Tinatayang nasa 6 na pamilya ang apektado ng sunog at nasa P50,000 ang halaga ng mga nasira ng apoy.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

- ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.