3 motorsiklo, tinangay ng grupo ng kalalakihan sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2017 08:56 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ng CCTV ang pagtangay ng isang grupo ng mga lalaki sa 3 motorsiklo sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Rolito Tecson, isa sa mga biktima, mayroong P5,700 na nasa compartment ng nanakaw na motorsiklo niya.

Nakuha rin ang motorsiklo ni Liangeleca del Rosario, isa pang residente ng Pandi Residence 3.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga magnanakaw.

Nanawagan naman ang mga opisyal ng barangay sa mga residente na ingatan ang kanilang mga pag-aari dahil hindi sapat ang tauhan ng barangay upang bantayan ang bawat lansangan sa lugar.

- ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.