Duterte, Trump, sa Maynila na magpupulong

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 01:58 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Magkakaroon ng bilateral meeting kasabay ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam si Pangulong Rodrigo Duterte at lider ng ilang bansa. 

Sa Huwebes, may bilateral meeting si Duterte sa lider ng Vietnam. Sa Biyernes naman, mga lider ng Russia at ng Papua New Guinea ang ka-bilateral meeting ng Pangulo.

Bagama't magkikita sa APEC Summit sa Vietnam sina Duterte at United States President Donald Trump, sa Association of Southeast Asian Nations Summit na sa Maynila gagawin ang unang pagpupulong nila. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Miyerkoles, 8 Nobyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.