4 patay sa pag-araro ng truck sa 2 trike

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 12:08 PM | Updated as of Nov 09 2017 04:51 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

TANAUAN, Batangas - Apat ang patay at 8 ang sugatan matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck ang 2 tricycle sa bayang ito, Huwebes ng umaga. 

Binabagtas ng truck ang pababang kalsada sa Barangay Natatas nang mawalan ng kontrol dito ang driver at tuluyang sumalpok sa mga tricycle, ayon kay Supt. Rene Mercado, hepe ng Tanauan police. 

Pawang dead on arrival sa ospital aniya sina PO3 Marqueses Valentino, Marbel Itoralde, Nanette Aton, at Raymond Llenado. 

Nagpapagaling naman sa C.P. Reyes Hospital at Mercado Hospital ang iba pang biktima. 

Mahaharap ang truck driver na si Richard Lozano sa patong-patong na kaso. --Ulat ni Arnell Ozaeta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.