Pagpapatawad, hiling ng Grab driver killer

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2017 01:54 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Humingi ng tawad ang suspek na si Narc Delemios sa pamilya ng kaniyang napatay na Grab driver na si Gerardo Maquidato. 

Sa paghaharap nila nitong Miyerkoles, inamin ni Delemios na pera lamang ang habol niya pero nanlaban ang biktima.

"Alam ko po na mahirap akong mapatawad ng pamilya. Hindi ko po alam na siya ay good samaritan. Humihingi po ako ng pasensiya pero mahirap po talagang maibalik," said Delemios.

Ayon sa Grab, binigyan papuri si Maquidato matapos na makapaghatid ng libre sa isang may sakit na rider noong nakaraang taon.
 
Si Delemios ay naaresto matapos magbigay umano ng surrender feelers sa awtoridad. 

-- DZMM, 8 November 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.