Misis ng Maute leader, nagpasaklolo sa Indonesian Embassy

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2017 08:47 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Umapela ng tulong mula sa Embahada ng Indonesia ang naarestong asawa ni Omarkhayam Maute, isa sa mga magkakapatid na namuno sa pagkubkob sa Marawi ng mga gunman na konektado sa Islamic State.

Kasama ng Indonesian national na si Minhati Madrais ang 6 na anak nila ni Maute nang arestuhin siya sa Iligan City nitong Linggo matapos mahanapan ng mga materyales sa paggawa ng bomba.

Umapela si Madrais sa Indonesian Embassy na magpadala ng kinatawan na tutulong sa kanya nang iharap siya sa media Linggo ng gabi ni Chief Supt. Timoteo Pacleb, hepe ng Northern Mindanao police.

Giit ni Madrais, hindi ligtas ang kanyang pakiramdam sa kustodiya ng mga pulis.

Panoorin dito ang buong ulat ni Jeff Canoy ng ABS-CBN News.

Umagang Kay Ganda, 6 Oktubre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.