SAPUL SA CCTV: Dalagita na galing sementeryo nabundol sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2017 09:42 AM | Updated as of Nov 02 2017 09:50 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sugatan ang isang teenager nang mabundol ng kotse sa Baguio City.

Sa kuha ng CCTV, sumampa sa hood ng sasakyan ang 13-anyos na dalagita bago siya tumilapon at sumadsad sa sidewalk sa Magsaysay Avenue.

Hindi na siya binalikan ng nakabanggang driver na humarurot palayo.

Base sa imbestigasyon, pauwi na galing sementeryo ang biktima nang mabundol.

Nagtamo siya ng mga sugat sa braso at gasgas sa tagiliran, hita at ulo.

Nahuli naman ang nakabundol na driver nang maharang sa checkpoint ang sasakyan.

Minamaneho ang kotse ng 18-anyos na lalake. 

Nangako ang pamilya ng binata na tutulungan ang pamilya ng biktima sa mga gastusin sa ospital.

Pinagaaralan pa ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng reklamo. – Umagang kay Ganda, 2 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.