PANOORIN: 'Palit-pera' modus sa tindahan

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2017 10:40 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakunan ng CCTV ang modus operandi na palit-pera sa isang tindahan sa Barangay Gibraltar sa Baguio City.

Sa video, makikita ang pagpasok sa tindahan ng isang matangkad na babaeng nakaputi. Tila nag-iingat siya sa CCTV dahil tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang balabal.

Nagkunwaring bibili ng diaper ang babae at naglabas siya ng P1,000 na akmang iaabot sa tindera pero agad niya itong ibinalik sa kanyang pitaka habang nagbigay naman ng panukli ang tindera.

Sunod namang naglabas ng P500 ang babae para ipapalit sa tindera pero ibinalik rin niya ito agad sa kanyang wallet.

Muling nag-abot ng pamalit ang tindera.

Agad ring umalis ang babae.

Nalaman na lang ng tindera na naloko siya nang mapanood ang CCTV. – Umagang kay Ganda, 2 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.