Kotse, nagliyab habang bumibiyahe sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2017 10:21 AM | Updated as of Nov 02 2017 10:25 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagliyab ang isang kotse habang bumibiyahe sa Asin Road sa Baguio City.

Nakunan pa ng Bayan Patroller na si Gregorio Balandi Jr. ang nasusunog na sasakyan.

Base sa imbestigasyon, una nang nakaamoy ng gas ang driver habang bumibiyahe pero di niya pinansin ito.

Nagduda na siya nang malakas na ang amoy nito kaya pumarada na siya sa tabi.

Nagkaroon pa ng pagsabog bago tuluyang nagliyab ang kotse.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Ayon sa mga rumespondeng bumbero, posibleng problema sa makina ang sanhi ng apoy. – Umagang kay Ganda, 2 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.